Posted by: tetp on: November 2, 2009
Tumindig Ka
Tumindig ka, ipaglaban ang karapatan
Tumindig ka, ipagtanggol ang karapatan
Tumindig ka, ipaglaban ang karapatan
Tumindig ka, ipagtanggol ang karapatan
Daang taon na, ang lumipas
Ilang pangulo na ang nagdaan
Wala pa rin asenso si Juan
Luklok pa rin sa kahirapan
Tumindig ka, ipaglaban ang karapatan
Tumindig ka, ipagtanggol ang karapatan
Daang taon na, ang lumipas
Ilang pangulo na ang nagdaan
Wala pa rin masilunggan si Juan
Takpi-takpi ang kasuotan
Daang taon na, ang lumipas
Ilang pangulo na ang nagdaan
Wala pa rin sariling lupa si Juan
Nag-iisa na baon sa utang
Tumindig ka, Tumindig ka,
Ipaglaban ang karapatan
- Noel Cabangon